Revenge of the Fallen Student

Posted: June 10, 2011 in Drawing
Tags: , , ,

Originally written by: Bob Ong

Illustrated by: lapiskamay

I took the liberty to publish this article by Bob Ong an excerpt of his serialized ABKNKKBSNPLK novella.

 So pasukan na nman, OK so before the young ones go to school let us have a short recap of the possible personalities of our teachers, beloved and hated teachers. Note that the drawings reflects real teachers I’ve encountered in college. If their faces and attitudes resembles you own teachers, living or retired, is purely coincidental. This is my simple thanksgiving (and revenge) to my teachers who made my college years fantastic.

I U Ma’am and Sir.

GREEN APPLE – Mga gurong may kapilyohan at asal kalye minsan. Sila ang klase ng gurong sinasamahan ng malisya ang kanilang class discussion to maintain the energy. Hanep sa green jokes. Kunwari pa-safe at iba daw ang ibig sabihin. Mga estudyante lang daw ang marurumi ang utak. Tama ba namang ipasa sa atin ang kanilang kalokohan?

green apple
D’ SENIORS – Senior in terms of work experience. Mga tinaguriang “pillars of SJC” dahil kasing tanda na nila ang SJC. Mga magagaling sa kanilang larangan noon kaya ayaw bitawan ng paaralan. I’m not being rude or anything but shouldn’t there be an effective age limit to teaching?
seniors

IN DEMAND – Sometimes in, sometimes out – the part timers. Ang mga part timers na ito ay bihirang makapagturo dahil sa super busy at sa dami ng appointments na dapat puntahan at responsibilidad na dapat gampanan. You can’t help but ask…are we experiencing a case of teacher shortage dahil tumatanggap ang eskwelahan ng mga part timers na palaging MIA (missing in action)? Kaya two thumbs up para sa mga guro na bagamat part-timers ay hindi napapabayaan ang pagtuturo.

in demand

INSECURE – Mga gurong lalagnatin kung makapagbigay ng mataas na marka sa mga estudyante. May mga gurong hindi makapagpasya ng ibibigay na grades kaya ginagawa na lang uniform tulad ng 15/20 o di kaya 25/30 ang highest grade ng buong klase. Meron ding kahit ilang decimal ay ayaw pang ibigay kaya ginagawa na lang 39.5/40 ang score. Pero ang mas matindi ay yung binibigyan ka ng 90% above sa project, quizzes at exams. Pero pagdating ng final grade ay 84%-87% na lang. Magiging kawalan na ba sa mga gurong ito kung magbibigay ng mataas na marka sa mga karapat-dapat naman? Are they taking revenge for the old days?

kuripot

ECONOMIST – The endangered species when it comes to frugality. Mga gurong nagbibigay ng paraan upang mapamura ang mga proyekto. Mga gurong alam ang kahirapan ng buhay ngayon. Mga gurong ginagamit pa ang other side of used paper para sa quizzes.

economist

AMAY BISAYA – Mga gurong may dilang kasing tigas ng chalk na halos hindi mo maririnig ang kaibahan ng E sa I at O sa U.

amay bisaya

GENEROUS – Generosity is the opposite of insecurity. Mga gurong paborito ng mga estudyante. Mga gurong marunong magpahalaga ng paghihirap ng mga estudyante. No doubt, they probably had high grades as a student.

generous

EXTRAVAGANT – Teachers with an eye for art, as in arte. Kailangang computerized ang project (reflection, summary report). Kelangang uniform ang gagamiting notebook. Kailangang i-acetate ang report. Kailangang ganito, kailangang ganun. Maraming kailangan sundin para maging organisado.

arte

SHOCKERS – Mga gurong may natatanging kakayahang manggulat ng estudyante. Simple magturo pero mahirap magbigay ng pasulit. Ginagawang kalbaryo ang tila simpleng buhay.

shockers

ROLE MODELS – Ang mga huwarang tagapagturo. Marunong tumimpala sa halu-halong ugali ng mga estudyante. Marunong humanga ng kagandahan pero walang pag-aalinlangang tumatapik ng balikat pagdating ng kamalian. Hindi maluwag, hindi rin mahigpit. Hindi mahirap abutin ng mga estudyante.

role model

Advertisements
Comments
  1. […] Revenge of the Fallen Student (lapiskamay.wordpress.com) Share this:TwitterFacebookLike this:LikeBe the first to like this post. […]

  2. […] Revenge of the Fallen Student (lapiskamay.wordpress.com) Feel free to share!TwitterFacebookEmailMoreStumbleUponRedditDiggPrintLinkedInTumblrLike this:LikeBe the first to like this post. […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s