Ang Tunay na Pambansang Wika

Posted: August 19, 2011 in Events, Journals
Tags: , , , , ,

Agosto na naman at ipinagdidiriwang na naman natin ang Buwan ng Wika. Lubos-lubosin ko na ang pagkakataong ito para isangguni ang isa mga pinakamalaking misteryo sa balat ng lupa: Ano ba talaga ang kaibahan ng Wikang Filipino sa Wikang Tagalog? Pareho lang ba yun? Kaya nga ayaw ko talagang magsulat sa Tagalog sa dami ng taon kung ginugul sa kakapanuod ng mga anime, teleserye (nung bata pa ako ha), noontime shows at mga pelikulang Pinoy sa telebisyon ni isang katha, sulat o tula para sa sinisinta man lang ay kailanman di ko pa ginawa. Puro English nalang ba ako? Tinalikuran ko ba ang wikang pambansa sa pamamagitan ng hindi paglikha ng mga sulatkamay sa tagalog?

Eto lang masasabi ko: ANA MAGBUOT, BISAYA ko bai!

Seryoso tayo ng kunti, ano ba talaga dahilan at ayaw na ayaw ko magsulat sa tagalog, at di lang ako ha pati narin yung piling iba dyan. Kaya heto ang listahan ng mga rasons at naway ang mga sumusunod na mga talata ay magbigay ng kadahilan sa misteryo.

  1. Mas type ko magsulat mag-English. Because it is malinaw, magulo patakaran, at pwede kong paikot-ikotin ang wika. Sa English ako nasanay kasi halos lahat binabasa ko nasa English. Malamang sanayan lang yan.
  2. Di ako komportable magsalita sa wikang tagalog. Gumaling lang ako magsalita ng tagalog dahil tumira ako saMaynila ng isang taon.
  3. Di hamak na matigas at mabilis ang bigkas ng mga bisaya habang ang tagalog naman ay medyo malumanay at may halong soft melody sa pagbigkas. Kaya mahirap magchange gear ng agad-agad sa tagalog. It takes months or years talaga before namin makuha ang proper accent ng Tagalog kaya pasensyahan nalang kung maririnig nyo kaming padabog magtagalog sa MRT.
  4. Sa probinsya namin minsan may dalagang nagbakasyon sa Manila. Kahit isang lingo lang siya eh pagbalik di na marunong magBisaya. Para sa amin, napakalaking katraydoran at insulto yan sa mga bisaya kaya ang parusa naming dyan ay habang buhay na kahihiyan at kantsawan sa kanto ng mga lasinggero’t sunogbaga.
  5. Mas cool magsalita ng bad words at mas epektib magmura sa English, at lalo na sa bisaya. Alam natin bad words ang mga katagang fuck you, pussy, sonofabitch, asshole, nigger, crap, cocksucker, at motherfucker na kalimitan nating naririnig natin sa mga gangsta raps at Hollywood movies. Pero bigkasin mo ang tagalog version nila at malamang mapapaisip ka muna ka if talagang may tatamaan ka: putang-ina, titi, pek-pek, pucha, nak’ng titing,loko-loko, siraulo, gago. Para kasi nagging katanggap-tanggap na ang gamit nito sa linggwahe kaya medyo nabawasan ang kasamaan nito. Pero pag magmura ka sa bisaya shit! Walang kasing sama at kasuklam-suklam ang mga salitang mura sa bisaya. Bigkasin mo lang ng pabulong ay feel muna sinusundo kana sa impyerno.
  6. Pero ito ang pinakamasaklap sa lahat… Inaamin ko isang putanginang karanasan ang UPCAT (UP College Admission Test) nayan. Pasagutin ka ba naman ng Math at General Science sa tagalog, eh buong buhay ko English subjects yang mga yan. Of course bumagsak ako dun, at habang buhay kong dadalhin ang kabiguang yun. Kaya sa mga pumasa sa UPCAT at mga nagtapos sa UP, saludo ako sa tsambang ipinamalas nyo! Hahaha.

Di ko talaga type ang Filipino subject mula elementarya hanggang kolehiyo. Para kasing pinahihirapan ang mga studyante, English parin naman yan na ginawang Tagalog, puro hiram ng hiram ng mga salita. Kung nakatagalog ang board exam malamang bumaksak talaga ako nun, buti nalang English kaya pasang-awa lang. Salamat Panginoon! Pero aaminin narin wans apan a taym medyo type ko rin pala yung subject na Filipino sa kadahilanang ang nanay ko ang titser namin nung grade six, hehe. Kaya doble atensyon binibigay ko sa klase namin mahirap na mapahiya di lang kay Nanay pati pa sa crush ko sa harapan. Hehehe.

Kung pag-aaraling mabuti sino nga bang politico nagdesisyon na ang salitang tagalog ang hiranging Wikang Pambansa? Kung sino man yun malamang mahina sya sa math or talagang hindi marunong magbilang… ‘tangina halos 50-60% o mahigit pa ng mga Filipino marunong magsalita ng Bisaya. Magpunta ka ng Visayas hanggang sa dulo ng Mindanao, magbisaya kalang and parang you truly belong to a one big happy family.

Pero hindi ko sinabing hindi ako pabor sa Tagalog bilang Pambansang Wika at hindi ko rin sinabing mayayabang ang mga tagalog sa pagpumilit hirangin ang kanilang salita o talagang mahirap lang sila turuan ng bisaya. Ibang blog na yun.

Maganda naman talaga ang wikang Tagalog at hindi maipagkakailang nagkakasundo at nagkakaintindihan ang mga tao sa wikang Filipino. Sandali ano ba talaga ang kaibahan ng wikang Filipino at wikang Tagalog. Kahit sinong Filipino pag napunta sa ibang probinsya hindi yan magsasalita sa native dialect nya kung magtatanong ng direksyon. Syempre magtatagalog yun. Marami kasing mga Filipino ang natututo magtagalog sa kapapanood ng TV at pagkanta ng mga April Boy Regino songs… “Hindi ko kayang tanggapin na mawawala kana sa akin…

Sabi nga ng idol kong si Gat Jose Rizal na ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay mas masahol pa sa bulok na isda. Dapat mahalin natin ang sariling wika kahit gaano man ka barok o kapangit bigkasin ang mga salitang nangdun.  Yun naman talaga ang dahilan kung bakit tayo may buwan ng wika para gunitain at ipagmalaki natin di lang ang wikang Filipino kundi ang iba-iba nating mga pananalita na pinagkasundo ng iisang Wika. Kung kailangan mo magmura gamitin mo ang galing sa wikang sinilangan mo at wag ka maghiram ng mga pakensyits mga lecheng yawa. At kung palibhasa ay nagtratrabaho kayo sa call centers hindi yun nangangahulugang may karapatan na kayo magyabang at makipag.usap with British accent sa mga nag-iinuman sa kanto. Halimbawa kung may speech kayo sa isang elementary graduation, parang awa naman wag niyo ipagpilitan ang mga peking accents nyo, with slang.  Tandaan naman sana na may karapatan din kaming laitin at pagtawana kayo ng bonggang-bongga! hahaha

Naway maging makabuluhan sa atin ang Buwan ng Wika. Sandali lang, ano ba talaga ang tamang spelling ng bisaya, Visaya o Bisaya?

Advertisements
Comments
  1. Sinasabi sa World Almanac, ang Pambansang Wikang ng China ay Mandarin, hindi Chinese, sa Indonesia ay Bahasa Indonesia hindi Indonesian, ang sa U.S. ay English hindi American etc. etc.. Bakit sa Pilipinas ay Tagalog ang Pambansang Wika natin tinatawag ninyong Filipino. Sa paaralan akala tuloy ng aking mga Tagalog na estudyante na kapag hindi Tagalog hindi Pilipino.Madalas sabihin ng aking mga estudyanteng Tagalog na, Sir, Sir may kaklase kaming hindi PIlipino, sila po ay Bisaya, Kapampangan etc. Naalala ko pa nang una akong magturo sa high school, buwan ng June noon, pasukan noon, binully ng binully ng mga Tagalog kong estudyante ang Bisaya kong estudyante na ” Bisaya! Bisaya! Bisaya!, hindi Pilipino!, nanuntok ang Bisaya kong estudyante, nakaputok siya ng nguso, Isa akong Kapampangan, masakit sa aming kalooban na Tagalog lamang ang tinatwag ninyong Filipino, magpakatotoo nga kayo, huwag nga kayong sinungaling. Naging karanasan ko rin nang ako ay nasa ibang bansa, minsan nag-uusap kaming mga hindi Tagalog sa aming sariling wika nang biglang dumating ang isang Tagalog, at nagsabi na, mag-usap nga kayo sa wikang Pilipino para magkaunawaan tayo. sumagot ang Bisaya, Kapampangan at iba pa, na nagsabi, ano ang palagay mo sa aming wika, hindi Pilipino? Naging resulta pa iyon ng suntukan nang panahong iyon. May Tagalog naman na nagsabi na oo nga Tagalog nga ang Pambansang Wika natin, kasi pag sinabi nating Pilipino ang Pambansang Wika natin, nangangahulugan iyon na tayo lamang na mga Tagalog ang PIlipino sa PIlipinas at malilimutan na na tayo ay mga Tagalog, ayaw daw nilang mangyari iyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s