Bata, Ano Gusto Mo Maging Paglaki?

Posted: August 23, 2011 in Boracay Chronicles, Events
Tags: , , , , , ,

Naalala ko nung first year high school ako, minsan tinanong kami ng hottie naming P.E. teacher “O mga basta ano gusto nyo paglaki?” Isa-isa kaming pinatayo para ipagmayabang namin sa buong klase ang mga layunin namin sa buhay. Di ko na maalala kung ano yung sinabi pero para yatang seaman yata ang pinili ko. Sa mga panahong yun walang silbi ang tanong nayun dahil wala talaga akong plano kung ano ang gusto ko paglaki. Kahit ngayon na medyo malaki na ako (lalo na ang biceps at ang bweset kung bil-bil) di ko parin alam.

So ano ang moral lesson ng talata sa taas? Simple lang, eto:

 

Kaya sa mga high school students parang awa nyo na pag-isipan nyong mabuti ang mga kukunin nyong kurso. Hindi lahat sa inyo ay makakatung-tong ng kolehiyo pero wag mawalan ng pag-asa, maraming yumayaman kahit hindi nakatapos ng kolehiyo. Para sa mga kukuha pa at kumukuha na ng mga kurso sa kolehiyo. Pinili nyo man yan o talagang pinilit lang kayo ng Nanay’t Tatay nyo, magpakatino kayong mabuti! To’l sobrang mahal na ng tuition ngayon. Ano, gusto nyo bang ganyan nalang kayo habambuhay? At kung di talaga mapigilan maligaw ng landas always remember na ang gwapong si Enchong Dee ang endorser sa isang call center company.

In speaking of mga professionals: lubos lubosin ko na ang pagkakataon para patamaan ang mga iilang mga pasaway sa hanay ng mga laya sa kolehiyo:

  1. Mga doctor – marami na akong napanood sa Maala-ala Mo Kaya at mga kadramahan sa telebisyon na pa gang karakter ay isang medical student di mawawala ang katagang: “Pa’g naging doktor na ako tutulungan ko ang mga nangangailangan at manggagamot ako ng libre sa mga mahihirap.” Pero ba’t  may mga doktor, kahit sa probinsya ay wala ng ginawa kundi magpayaman at mag-aral ng nursing!
  2. Mga nurses – Alam nating lahat karamihan sa inyo, lalo na sa mga ka.edad ko (ahem mga 20’s), puro dollar$ ang nasa isipan ng kinuha nyo ang kursong yan. Sana naman kahit .01% sa halos mag-iisang biyong populasyon nyo sa Pilipinas ay may busilak na kaluoban para maglingkod sa mga lib-lib at kaawa-awang lugar kung saan kayo talaga kailangan.
  3. Mga abogado – sa lahat ng mga propesyon sa Pilipinas ang breed nila ang mga may K (i.e karunungan, kaalaman, kayabangan, kalokohan at kasinungalingan) para maupo sa politika, at hindi mga artista. Pero sana nama’y nauuna ang interes ng Diyos at ng taong bayan kaysa sa limpak na salapi sa ilalim ng lamesa.
  4. Mga CPA – naiintindihan ko na dumaan tayo sa karayom para makatapos, nagsimba halos araw-araw sa lahat ng simbahan, lumuhod sa lahat ng mga santos (di ko yan ginawa), magdasal ng bongga, at nakipaglandian sa review center bago tayo nanumpa sa PICC. Sana marami pa sa atin ang hindi pa sumubok gumawa ng mga pekeng libro at tax return para sa BIR, nagsinungaling sa mga audit findings at namuhunan sa mga malikhain at maiitim na pamamaraan.
  5. Mga Police at Mga Militar– no need to illustrate, just watch TV Patrol every night.
  6. Mga Seaman – Bakit ba ang hihilig nyo mang-asawa ng mga teacher?

Alam ko sukang-suka na kayo sa sawikaing to, pero hayaan nyo na idol ko siya eh..

 “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”  – Jose Rizal

Advertisements
Comments
  1. Mokong says:

    nice one! naka-relate ako dun. Nung bata pa ako napipilitan akong magsabi ng kung anong gusto ko paglaki ko. dahil pa sa ang lahat ng pinsan ko ay may sinasagot pag tinatanong. 😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s