Sa Paglayag ng mga Barkong Papel

Posted: September 26, 2011 in Drawing, Journals
Tags: , ,

Sabadao, ika-dalwamput anim ng Setyembre. Madaling araw ng nagising kami sa di kapanipaniwalang  lakas ng hangin at ulan sa labas. Sumabay sa ingay ang hagikgik at tawanan ng mga kasama habang sinasampay ang mga basang papel sa common room ng dormitoryo. Di namin inakalang papasok ang tubig sa mga kwarto sa aming palapag. Napansin narin namin ang pagtaas ng baha sa labos sa kanto ng Cayco.

Pero OK lang tuloy ang ligaya at pagtempla ng kape. Matapos namin isampay ang mga basang handouts ay lumusong kami sa baha di para magswimming under the sea, kundi palutangin ang mga gawa naming barkong papel. Ang mga barkong yun ay simbolo daw ng aming paglalakbay sa karagatan ng buhay dala ang mga pangarap at pagkakaibigan, o sibang salita napagtripan lang namin. Sabi nga ng isa sa aking kasama sa review “Eto ang mga sandali ng ating kabataan na maikukwento natin sa mga apo natin.”

Buong araw walang tubig, walang kuryente, walang signal at walang internet. Pero OK lang ang bagyo ikanga ay dumadating sa buhay ng tao. Alam namin hindi sagabal ang bagyo at baha sa aming mga pangarap kaya tuloy ang ligaya, tuloy ang pag-aaral, tuloy ang pagrereview , at tuloy parin ang pagbasa ng mga FHM magazines.  Hindi man lang namin alam ang pangalan ng bagyong humahagupit sa labas.

 Ngunit maaalala nating lahat ang araw na yun bilang isa sa mga pinakamadilim na yugto ng ating kasaysayan. Yun ang araw kung saan sinalanta ng bagyong Ondoy ang kabihasnang Maynila. Ondoy ang pangalan ng malakas na bagyo na gumawa ng napakalaking baha na kumitil ng marami sa ating mga kababayan wumasak sa mga kabahayan at mga gusali. Nakakapanlulumo ang hagupit na iniwan ng bagyo. Buong syudad lubog sa tubig baha, mga kotse inararo, mga poste natumba, mga libro nabasa, mga bahay dingding nalang ang makikita at milyon-milyong buhay sa isang idlap ay nasira.

Sa mga sumunod na araw ay nakita ng buong bansa na sa kabila ng malaking trahedya na dinulot ng bagyo ay sumibol ang panibagong rebolusyon sa pagtutulongan ng mga kapwa tao. Umapaw ang mga donasyon para sa mga nasalanta mapapera man, damit o pagkain. Bata man o matanda, mayaman o mahirap marami ang nag-alay ng oras para tumulong at maglingkod. At unti-unti tayong bumangon.

Dalawang taon na ang lumipas pero nasaan naba talaga tayo? Ano ba ang ginawa natin pagkatapos mag-Ondoy? Ano ba ang naitulong natin sa sambayanan para makabangan sa delubyo? Ano ba ang ginawa ng gobyerno para masugpo ang nakakahiya at nakamatay naba sa Maynila? At ano pa ba ang mga dapat gawin para maiwasan o maibsan man lang ang epekto ng mga mga susunod na delubyo?  

 Maglalayag na naman ba ulit ang mga barkong papel?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s